Hindi ko na magawang tumawa
Siguro dahil puno ako ng pag-aalala
Puro kalungkutan ang bumabalot sa akin
Nagbago na ang iyong damdamin
Kasabay ng pagpangit ng panahon
At paghampas ng mga alon
Hindi ko na maramdaman
Di na tulad ng dating pagmamahalan
Siguro'y hindi ko na nga kaya
Kanino nga ba may problema?
Di na tayo katulad ng dati
Natalo na tayo ng marami
Puro ako pag-aalinlangan
Baka wala na tayo kinabukasan
Isang bagay lang ako sigurado
Di ako bibitaw hanggang sa dulo
</3
No comments:
Post a Comment